Tuesday, March 10, 2009

Kabugan - Reaction Paper

Thesis Statement: Hindi maganda ang pagkakagawa ng produksyon na "Kabugan"
Ang programa ng Teatro Tomasino na Kabugan ay hindi naisagawa ng maayos dahil sumablay ito sa maraming aspeto. Sa unang istorya na pinamagatang "Kulay Rosas ang dapit hapon minsan sa isang taon", masyadong bitin ang istorya dahil sa isang lugar lamang ang setting ng istorya, 2 lamang ang bida at masyadong mababaw ang boud ng istorya. Si babae at si lalaki ang pangalan ng mga bida. Para sa akin, pano gaganahan ang mga manonood kung ang pangalan ng mga bida ay lalaki at babae lamang? Para sa akin din, walang kwenta ang istorya nito dahil tungkol lamang ito sa ipinagbabawal na pagibig. Hindi man lang dumaloy ng maayos ang istorya nito. Walang pambungad ang istorya, agad nalamang ito nagsimula sa bahagi ng "forbidden love". Wala rin kuwenta ang ending nito dahil hindi man lamang ipinakita sa dula ang asawa ni lalaki na nagkaroon ng malaking pagganap dahil siya ang tumapos sa ipinagbabawal na pagibig ni babae at lalaki. Sa pangalawang Dula na pinamagatang "Anino", ang bagal ng usad ng istorya dahilan para maantok ang karamihan ng mga manonood. Maganda sana ang panimula ng anino na magpalabas ng mga multo. Agad nilang nakuha ang atensyon ng mga manonood subalit nang tumagal ang istorya ay dahan-dahan naging boring ang dula. Para sa akin, hindi sulit ang ibinayad ko na P110 at sayang lang ang oras ni ibinigay ko para panoorin ang Kabugan.

Sunday, March 8, 2009

Ploning - Experimental Movie

1. Ano ang kaugnayan ni Digo kay Ploning?
Si digo ay ang anak ni Ploning. Nabuntis noon si Ploning dahilan para siya ay lumayas at kagalitan ng ama.

2. Bakit nagalit si Ploning sa kanyang ama?
Nagalit ang ama ni Ploning sa kanya dahil siya ay lumayas. Lumayas si Ploning dahil nalaman niya na buntis siya at ang anak niya ay si Digo.

3. Anu-ano ang simbolo ng mga sumusunod:
a. Bato - Romansa
b. Tsinelas - Isang bagay na pangsapin sa paa. Isang itong simbolo ng estado ng mga taga Cuyo dahil karamihan ng mga tao doon ay walang tsinelas.
c. Lata ng Lychees - Espesyal na pagkain nila Ploning sa kanilang bahay. Madalas hinahanda tuwing esposada.
d. Puting Damit - Uniform ni Digo sa eskuwela na binili ni Ploning
e. Asin - Kabuhayan ng mga tao sa Cuyo kapag tag-ulan dahil madalas tag-tuyot doon sa Cuyo.
f. Ulan - Madalang dumating sa Cuyo, sapagkat madalas mainit ang panahon doon.
g. Kasoy - Niluluto ni Alma
h. Indigo Dye - Ang dye na ginamit sa pelikulang Ploning

4. Anu-anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita ng pelikula?
Ang pelikula ay nagpakita din ng relasyon ni Ploning sa mga importanteng tao na sina: Digo, Tomas, Celeste at ang kanyang tatay. Sa bawat taong ito ay naipapakita ang ibat ibang paraan ng pakikisama ni Ploning tulad ng pagiging ina, anak, kaibigan at kasintahan. Ang mensahe na ang buhay ay higit na masarap kapag tahimik at malayo sa gulo. Bukod doon, ang tadhana ay nagbigay din ng mga pagsubok sa bayan na iyon. Ipinakita din ang pagmamahal at pananalig ng tao sa Diyos at kung paano humihina ang paniniwala ng iba kung may pagsubok na hindi kanais nais. Ang kultura ng mga taga Cuyo ay binigyang importansya sa pag tutok sa mga ugali ng bawat tao at ang pagkakaiba ng mga taga ibang bayan.

5. Ano ang lihim ni Ploning?
Ang lihim na itinago ni Ploning ng matagal na panahon ay ang kanyang pagbubuntis kay Digo. Gaya ng nasabi kanina, si Digo ay ang lihim na anak ni Ploning. Itinago niya ito pati sa kanyang tatay dahilan upang magalit ito sa kanya. Dahil rin dito ay lumayas si Ploning.
a. Sa iskalang 1-10, anong marka ang ibibigay niyo sa pelikula? Ipaliwanag ang kalakasan at kahinaan nito.
8 ang ibibigay ko na marka para sa pelikulang Ploning. Maganda ang kabuuan na istorya ng pelikula at gumamit ito ng mga teknik na hindi madalas gamitin sa pelikula tulad ng flashback para maidugtong ang bawat importanteng bahagi ng pelikula. Para sa akin, malaking bagay na manominate ito sa Oscars. At para manominate ang isang pelikula sa prestiyosong parangalan ay dapat may natatatangi ito kagandahan na tunay naman naipakita ng pelikulang Ploning.

Wednesday, February 11, 2009

Filipino: Salita

“Winner, Winner Chicken Dinner”

“Winner, Winner Chicken Dinner: The legend tells that years ago every casino in Las Vegas had a three-piece chicken dinner with a potato and a veggie for $1.79. A standard bet back then was $2, hence when you won a bet you had enough for a chicken dinner. !”” Ayon ito sa www.urbandictionary.com.
Kung bigla mo itong babasahin o sasabihin iisipin mo na wala itong kwenta pero sa totoo ay malupiet ang ibig sabihin nito para sa ibang tao! Galing ito sa pelikulang ‘21’. Ito ay tungkol sa mga college students ng isang university na pumupunta sa Las Vegas para maglaro ng Blackjack. Pinamumunuan sila ng kanilang propesor na tumatayong mentor rin nila. Para sa kanila, ginagawa nila ito para lamang magbilang at basahin ang pag deal ng baraha. Samakatuwid, layunin ng grupo nila na talunin ang dealer ng Blackjack. Hango sa totoong buhay ang pelikulang ‘21’ at sa katunayan ay nagkaroon pa ito ng dokyumtaryo sa Discovery Channel. Ang Balckjack ay isang laro ng baraha na ang obhektibo ay magpataasan ng baraha pero dapat hindi ito lalampas ng 21. Binibigyan ang isang manlalaro ng 2 baraha sa simula at dagdag na 3 kung gusto pa nitong humirit basta dapat ang kabuuan ng bilang ay pinakamalapit sa 21. kapag naman lumampas ng bilang sa 21 ay busted ito. Ang linyang winner, winner chicken dinner ay isa sa mga lengguwahe ng Blackjack na ang ibig sabihin ay panalo. Halimbawa pa ng ibang ginagamit na salita sa Blackjack ay Monkey ang ibig sabihin naman ay busted ang dealer. Maganda ang pelikulang ‘21’ dahil naipakita dito ang bilis ng pagbilang ng baraha ng mga estudyante at ang galing ng diskarte na humakot ng limpak-limpak na salapi gabi-gabi nang hindi nahuhuli.

Filipino: Pagsuri ng Estilo

"The Melody of Love"
ni Hannah Wabe
Sinopsis:
Nagsimula ang istorya sa pagdating ni Melody sa pamamahay ng mga Lorenzana sa Vigan. Gabi na ng nakarating siya dahil sa hindi inaasahang pagkasira ng bus na sinakyan niya sa La Union. Pagkarating ay agad siyang sinalubong ng katiwala ng bahay, at pinatuloy sa bahay. Nang dumating si Francisco Lorenzana IV o Frank ay kaagad itong nagulat ng makita si Melody. Agad nitong kinumpronta si Melody at inimbestigahan ang mga kadudadudang pangyayari. Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo tungkol sa dahilan ng pagdating doon ni Melody sa pamamahay ni Frank. Nang nagsilamigan na ang ulo ng dalawa ay napagusapan ni Frank ang katangian ng yumaong asawa na si Jessica. Nabanggit ni Frank na may hawig siya sa kanyang asawa at dahil doon ay biglang pinagdudahan nito ang totoong pakay ni Melody. Agad naman itong itinanggi ni Melody. Hindi naglaon ay napagkasunduan nilang dalawa ang mangyayaring mga trabaho nito para kay Patty.
Nagawa ni Melody na tanggapin ang trabaho bilang isang tutor sapagkat gusto niyang makalimot sa mga problema niya. Inirekomenda siya ni Jess, kanyang bestfriend bilang isang tutor para sa mga Lorenzana sa Vigan. Ang buong akala niya na simpleng trabaho ay naging isang magulo at miserabling problema dahil ang mag-ama ay parehas pala niyang makakasalamuha. Si Partty ay isang sampung taon gulang na babae na sobrang problemado sa pamilya kaya’t napabayaan ng husto ang pagaaral habang ang ama na si Frank ay isang taong sa sobrang dedikasyon sa trabaho ay nawalan na ng panahon sa anak. Dahil sa wala naman siyang ibang magawa at gusto niya rin muna makalayo sa Maynila, pinatulan niya ang trabaho. Sa simula ay inakala niya na ang bata lang ang magiging problema niya, ngunit nagkamali siya dahil ang gagawin din pala ni Frank sa kanya any hindi lang sakit ng ulo kung hindi sakit rin ng puso.

Estilo:
Sa maikling kuwento ni Hannah Wabe na pinamagatang, “The Melody of Love” ang estilo ng pagsulat na ginamit ay moderno. Moderno sapagkat ang mga salitang ginamit ay karamihan ay mga salitang kanluranin. Pasalaysay ang paraan ng ginamit sa pagkuwento na payapang dumadaloy habang isinasalaysay ang iba’t ibang bahagi ng kuwento. Sa diksyon ng mga salita, karamihan ay denotasyon dahil hindi ito masyado gumamit ng mga salitang kalye at obhektibo ang pagsalaysay sa mg salitang ginamit. At ang lebel na ginamit ng mga salita ay kolokyal sapagkat pinaghalong ingles at Filipino ang ginamit na mga salita sa buong kuwento.

Konklusyon/Rekomendasyon:
Sa kabuuan, ang may akda ng maikling-kuwento ay matagumpay na nakapagpahayag ng kanyang ninanais dahil sa paraan na ginamit nito. Kahit na ito ay isinulat sa magkahalong Ingles at Filipino ay madali pa rin naman itong naintindihan ng mga mambabasa. Napapanahon rin ang istorya at madaling makakasakay ang mga tao dahil kung susuriin, halos walang pinagkaiba ang mga ganitong kuwento sa mga pelikulang Tagalog. Simple at makabuluhan ang paraan na ginamit ng may akda.